Mga Pinoy sa China, pinag-iingat bago ang arbitral ruling

Nag-babala ang Philippine Embassy sa China na mag-ingat sa mga personal na banta at iwasan ang mga diskusyon at debate partikular sa social media bago ang desisyon ng arbitral tribunal.
Hinimok din ng embahada ang mga Pilipino na laging mag-dala ng ID at iparating sa kanila at sa pulisya ang anumang banta.
Higit dalawampung pulis ang naka-pwesto sa labas ng Philippine Embassy kaninang umaga at may karagdagang vans at trucks na naglalaman ng crowd control barriers. Indikasyon na posibleng magkaroon ng protesta sa gusali.