Mga Persons Deprived of Liberty sa NBP at Camp Sampaguita sa Muntinlupa City, nilingap din ng INC

(Eagle News) — Hindi naman nalimutan ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ang mga persons deprived of liberty na nasa national penitentiary ng bansa. Namahagi ang INC ng mahigit dalawampung libong lingap goody bags para sa mga PDL sa New Bilibid Prison at Camp Sampaguita sa Muntinlupa City.