Ibinunyag mismo ng Malakanyang na may problema sa kalidad ang mga pabahay na itinayo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban.
Sinabi ni Housing Czar Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr. na habang isinasagawa ni Pangulong Duterte ang inspection sa mga itinatayong bahay sa Tacloban, nakita ang mga depekto at hindi umaayon sa standard na pinag-usapan.
Ayon kay Evasco, hindi natupad ng National Housing Authority (NHA) ang kautusan ng pangulo na dapat noon pang December ay tapos na ang mahigit walong libong (8,000) units ng pabahay.
Inihayag ni Evasco ang mahigit walong libong unit ay inumpisahan pa noong panahon ng Aquino administration at tinatapos na lamang ng kasalukuyang administrasyon.
https://youtu.be/pnhArAKJs94





