Mga nasabat na bigas at iba pang food items, ibibigay sa DSWD

(Eagle News) — Ipinag-utos ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Bureau of Customs na ibigay ang nasabat na bigas at iba pang food items sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa disaster relief preparations na may kaugnayan sa bagyong Ompong.

Ayon sa DOF, ang nasabing direktiba ay bilang pagtugon sa ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng ahensya ng gobyerno ay dapat na tiyakin ang mataas na lebel ng kahandaan sa bagyo.

Ipinagbigay-alam ng BOC sa DOF na ang nasabat ng ahensya noong hulyo na 50,000 sako ng bigas na nasa 100 container van sa Manila International Container Port.

Nakasaad sa batas na ang food items, clothing material at gamot na nasabat ay maaaring i-donate sa DSWD.

https://youtu.be/aUYqZicpSEY