Mga miyembro ng INC sa Kilmasan, Pangasinan East handa na para sa “Dakilang Pamamahayag”

Handang handa na ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lokal ng Kilmasan, distrito ng Pangasinan East sa kanilang pakikiisa sa gagawing “Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos” na gaganapin sa Philippine Arena na pangangasiwan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ngayong araw, Setyembre 26.

Maaga pa lamang ay isinaayos na ng mga kapatid sa nasabing lokal ang pagdadausan ng venue kung saan ay naka-link ang kanilang lokal sa pamamagitan ng WebEx Link.

Sila rin ay nagsagawa ng isang motorcade at saturation drive bago ang araw ng “Dakilang Pamamhayag” para sa paghahanda sa gagawing aktibidad.

(Photos courtesy of Bro. Mark Lesther Segismundo)