Mga malalaking negosyante, pinulong ni Pangulong Duterte sa Malacañang

(Eagle News) — Personal na nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga malalaking negosyante sa bansa sa pamamagitan ng isang dinner sa malakanyang.

Sinabi ni presidential spokesman Ernesto Abella na naging makabuluhan ang resulta ng pakikipagdayalogo ng pangulo sa mga negosyante.

Ayon kay Abella pangunahing tinalakay ang mga pangunahing economic agenda ng administrasyon na magpapaangat ng kabuhayan ng bansa at ng mga mamamayan.

Inihayag ni Abella pinag-usapan din sa dinner meeting ng pangulo sa mga negosyante ang ukol sa federalismo, tax reform, kontraktuwalisasyon at pagsusulong ng kabuhayan sa lalawigan ng Sulu sa ilalim ng negosyo para sa Sulu program.

Kinumpirma ni Abella na dumalo rin sa dinner meeting sa malakanyang si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

https://youtu.be/RlExgw1SkAg