(Eagle News) – Nakalinya na ring ipagbawal sa mga kalsada ang pagbiyahe ng mga luma at napabayaang mga truck at bus.
Ito ay kasunod ng pagsisimula ng bagong taon at inaasahang pag-arangkada na rin ng jeepney modernization program.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Thomas Orbos, kasalukuyan nang nagsasagawa ng dayalogo ang kagawaran at ng mga truck owner at operators ng mga bus.
Iginiit ni Orbos na tulad sa jeepney, titingnan ang road worthiness ng mga sasakyan at hindi lamang basta pagbabasehan ang mga edad nito.
(Eagle News Service)
https://www.youtube.com/watch?v=wRZVnl2HhQs&feature=youtu.be





