Mga isnaberong taxi driver sa mga mall, huhulihin ng LTFRB

(Eagle News) — Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huhulihin nito ang mga “choosy” na taxi driver o iyong mga tumatanggi ng mga pasaherong isasakay sa mga mall ngayong holiday season.

Sa ilalim ito ng Oplan Isnabero na inilunsad ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) sa buong bansa.

Ayon sa LTFRB, nagdeploy sila ng mga tauhan sa mga mall para manghuli ng mga taxi driver na mang-iisnab sa mga pasahero.

Ang mga choosy anila na taxi drivers ay huhulihin at pagmumultahin at maaari ring makasenla ang kanilang lisensya at prangkisa.

Ang pinaigting na Oplan Isnabero ay tatagal hanggang sa bagong taon.