Mga bus, ‘di sakop ng number coding scheme simula Marso 29 hanggang Abril 2

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi saklaw ng number-coding scheme ang mga passenger bus sa Metro Manila simula Marso 29 hanggang Abril 2.

Sa abiso ng MMDA, inialis muna ang pagpapatupad ng number-coding scheme para sa provincial at city buses upang makasakay ang maraming bilang ng mga pasahero.

Samantala, patuloy na ipapatupad ang number coding sa iba pang mga sasakyan sa mga nabanggit na araw.

https://youtu.be/7flHj-NmYi0