Mga basurang nakuha sa clean-up drive sa Manila Bay, umabot sa 45 tonelada

(Eagle News) — Umabot sa 45 toneladang basura ang nahakot sa isinagawang clean-up drive sa Manila Bay nitong Linggo, Enero 27.

Matatandaang libu-libong volunteers ang lumahok sa isinagawang clean-up drive na sinimulan noong linggo na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa ngayon, kapansin- pansin na ang malaking pagbabago sa simoy ng hangin sa Manila Bay.

Ang paglilinis ng Manila Bay ay bahagi ng umiiral na rehabilitasyon sa lugar na magtatagal ng anim na buwan.