Metro mayors, ni-reject ang expanded number-coding scheme ng MMDA

(Eagle News) — Ibinasura ng Metro Manila Council ang expanded number-coding scheme na magbabawal sa mga pribadong sasakyan na dumaan sa mga pangunahing kalsada dalawang beses sa isang linggo.

Sa ginawang pagpupulong ay hindi pinaboran ng Metro Mayors ang panukalang ‘twice-a-week number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Iprinisinta ni MMDA Chairman Danny Lim ang nasabing scheme na una nang inanunsyo ng ahensya noong buwan ng Hunyo.

Sabi ni Lim, mahigit tatlumpung porsyento ng sasakyan ang nagsama-sama sa mas mababa sa limang porsyentong road network.

Napakahirap aniyang gumawa ng solusyon sa trapiko kung parami nang parami ang mga sasakyan at hindi naman nadaragdagan ang kalsada.

https://youtu.be/VvGeCkeQiX4