Mental Health Advocacy, ipagpapatuloy ng DepEd

(Eagle News) – Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ginagawa nito ang kanilang bahagi upang matiyak na nasa maayos na kalagayan ang kanilang mga tauhan maging ng kanilang mga mag-aaral.

Ayon kay Education Assistant Secretary for Public Affairs Service and Alternative Learning System GH Ambat, sa pag-abot nito, ipinatupad na ang mga programa, at polisiya na makakatulong sa pangako na mapangalagaan ang mental health ng lahat ng kanilang nasasakupan.

Bukod rito, nagsagawa na rin ng mga aktibidad upang magbigay ng impormasyon sa mental health kasama na rito ang isinagawang National Mental Health Awareness Week.

Inilaan naman para sa mga kabataang mag-aaral ang mga konsepto sa mental health sa Basic Education Curriculum partikular sa mga health at values education subject.

https://youtu.be/iWSzCvaZao8