Mas malamig na temperatura asahan pa – PAGASA

(Eagle News) — Mas magiging malamig pa umano ang temperatura sa mga darating na araw, lalo na sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa amihan.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), wala pa sa “peak” ang northeast monsoon sa Pilipinas at maaaring maramdaman ito sa kalagitnaan ng Pebrero.

Maging ang nine (9) degrees Celsius sa Baguio na naramdaman kamakailan ay posibleng maging mas mahigitan pa.

Samantala, wala namang sama ng panahong namataan sa paligid ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kaya walang sama ng panahong aasahan sa loob ng linggong ito.

https://youtu.be/VdZ2GR9v9cI