Manny Pacquiao lalabas sa Korean TV show na “Infinite Challenge”

MANILA, Philippines (Eagle News) – Inimbitahang maging guest si Filipino Boxing Champion Emmanuel “Manny” Pacquiao sa isang korean show na “Infinite challenge.”

Sa nasabing programa ay makakasama ng fighting Senator ang Korean comedians na sina Jo Se Ho at Yoo Byung Jae.

Inimbitahan din namang maging guest crew interpreter ang TV host na si Ryan Bang.

Sa instagram post ni Choo Dae Yup, nagpahayag naman ng paghanga ang comedian actor sa fighting senator na si Pacquiao dahil sa pagiging ‘game’ nito sa show.

Ipapalabas sa Disyembre 30 sa Korean channel na MBC ang episode kung saan makakasama ang Filipino boxing champion.