Manila Bay rehab posibleng pumalo sa Php 47-B

(Eagle News) — Posibleng abutin ng pitong taon at pumalo sa 47 bilyong piso ang gagastusin para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, susubukan ng pamahalaan na matapos ang rehabilitasyon na ito sa loob ng pitong taon.

Sinabi rin ni Antiporda na hindi magiging madali ang rehabilitasyon ng Manila Bay dahil sa tindi ng kontaminasyon sa tubig.

Samantala, iginiit rin ng opisyal na makasisiguro ang publiko na pursigido ang Department of Environment and Natural Resources na solusyunan ang problemang ito.

Nakatakdang namang umpisahan ang rehabilitasyon sa Manila Bay sa darating na Enero 27.