Manila Bay, babakuran na ng DENR para sa mas malawakang paglilinis

(Eagle News) — Anomang oras ngayong araw, Pebrero 6 ay lalagyan na ng bakod ang kahabaan ng bay walk sa Manila Bay.

Ito ang naging kautusan ni Environment Secretary Roy Cimatu para na rin mabigyang-daan ang gagawing rehabilitasyon.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda, hindi pa ngayon ang tamang panahon para mag swimming sa Manila Bay.

May mga gagawing pagsasaayos pa kasi sa mga creek at may treatment na gagawin din bago pakawalan sa dagat.

Nilalayon din nito na maiwasan na tumaas pa ang coliform level.

Samantala, dagdag pa ni Antiporda na ang pagbabakod sa baywalk ay gagawin habang isinasagawa ang rehabilitasyon.