“Malasakit Center” posters ni dating SAP Bong Go, pinababaklas ng Comelec sa DOH

(Eagle News) — Pinatatanggal ng Commission on Elections (Comelec) sa Department Of Health (DOH) ang lahat ng “malasakit center posters” na may pangalan ni dating Special Assistant to the President at senatorial candidate Christopher “Bong” Go.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, nagpadala na ito ng mga notice sa lahat ng kandidato na may mga illegal posters.

Kabilang na anya rito yaong mga posters na nakapaskil sa mga government hospitals, health centers, airports, piers at Barangay Halls kung saan ipinagbabawal sa mga barangay officials ang pangangampanya sa mga kandidato para sa midterm polls.

https://youtu.be/yqL-ZA-eLp8