Mahigit P6M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust operation sa Taguig City ; 4 na katao arestado

(Eagle News) — Sinalakay ng pinagsanib pwersa ng Quezon City Police District Station 7 kasama ang Taguig City Police at National Capital Region Police Office-Regional Drug Enforcement Unit ang isang apartment unit sa Brgy. Central Signal, Taguig City Miyerkules ng gabi, Pebrero 20.

Nakatanggap kasi ng impormasyon ang QCPD Station 7 na dito nagtatago at nagmumula ang mga shabu na isinusuplay sa Cubao area sa Quezon City.

Agad na nagsagawa drug buy-bust operation ang operatiba at ng maiabot ang pera sa suspek ng nagpanggap na posuer buyer dito na pinasok ang apartment unit ng operatiba.

Arestado sina Abel Dagadas, Usay Uting, Larrylyn Asada at Jacqueline Dapitan.

Bukod sa Cubao area, posibleng supplier din ang mga ito sa iba pang lugar.

Itinanggi naman ng mga suspek na sa kanila ang mga nasabat na bultong shabu.

Nasabat sa mga ito ang labindalawang plastic ng shabu na nagkakahalaga ng 6.8 million pesos, drug paraphernalia at sampung libong piso na drug money.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek. (with a report from Earlo Bringas)