Mahigit 1,000 trabaho available para sa PWDs sa Quezon City Job Fair

(Eagle News) — Mahigit isanglibong trabaho ang available para sa mga person with disabilities o PWDs sa isasagawang special jobs and opportunities fair ngayong araw, Disyembre 5 sa Quezon City.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga bakanteng trabaho ay sa BPO, electronics, advertising, hotel, health and wellness, travel, media at iba pa.

Ang isang araw na job fair ay isasagawa sa covered walk ng Quezon City Hall.

Bukod sa alok na trabaho mayroon ding ipagkakaloob na skills at livelihood opportunities.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi sa paggunita ng ika-85th Founding Anniversary ng labor department ngayong linggo at sa pakikipagtulungan ng Rotary Club.