Mahigit 100 Tokhang surrenderees sa Valenzuela, nakatapos na ng rehab

Pagbati sa ilang mga tokhang surrenderees na nakatapos na ng kanilang rahabilitasyon.
Pagbati sa ilang mga Tokhang surrenderee na nakatapos na ng kanilang rehabilitasyon.

Valenzuela, Metro Manila (Eagle News) — Malaya na at balik na sa kani-kanilang pamilya ang 142 katao na sumuko noon sa isinagawang “Oplan Tokhang” sa lungsod ng Valenzuela kaugnay sa ikinasang operasyon ng gobyerno na war on drugs.

Matapos ang anim na buwan na pagkakarehab sa Central Luzon Rehabilitation Center sa Magalang, Pampanga ay nabigyan na ang mga ito ng pagkakataon na makapagsimula ng panibagong buhay at tuluyan nang iwan ang pagkakalulong sa ipinagbabawal na droga.

Malugod namang binati ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian ang mga graduate.

Bilang pasimula ay nangako ito na tutulungan ang mga ito na makahanap ng trabaho o di kaya naman ay bibigyan sila ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng livelihood program, o papag-aralin sa pamamagitan ng scholarships. (Eagle News Service Valenzuela Correspondent Kristine Dantes)

val 1 val 3 val 4 val 5