Magandang resulta ng APEC Summit, inilahad ni Pangulong Duterte

Nakabalik na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang pagdalo sa APEC summit sa Lima, Peru.
Pasado alas onse kagabi dumating ang pangulo sa Davao City kasama ang kanyang delegasyon na dumaan pa muna sa New Zealand bago lumapag sa Davao City.
Sa kanyang arrival speech, inilahad ni Pangulong Duterte ang kanyang mga naiuwing magagandang balita mula sa kanyang pagdalo sa kauna-unahang APEC summit.
Isa umano sa mga napag-usapan sa kanyang pagdalo sa APEC ay ang mga proyoridad na lugar na maaring paglaanan ng kapital sa bansa at ang maayos na ugnayan para sa economic cooperation.