LTFRB, maghahain ng show cause order sa Grab PHL

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Inaasahang maglalabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)laban sa isang driver ng Grab Philippines na kinansela ang booking ng kanyang pasahero.

Ayon kay LTFRB Chief Atty. Martin Delgra, bukod sa driver na sangkot sa insidente, kasama rin nilang ipatatawag ang operator nito maging ang pamunuan ng Grab.

Paliwanag pa ni Delgra, oras na mapatunayang tumanggi ang Grab driver na ihatid ang pasahero matapos nitong kumpirmahin ang booking, maaari nila itong kasuhan ng refusal to convey passengers.

https://youtu.be/IVhuAO789-o