Lokal na pamahalaan ng Davao, nag-alok ng pabuya

(Eagle News) — Nag-alok ng P2,000,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Davao City para sa anumang impormasyon sa mga suspek sa likod ng madugong pamomomba sa siyudad.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang isang milyon aniya ay mapupunta sa makapagsasabi ng pangalan at kinaroroonan ng suspek na nagpasabog ng bomba habang ang isa pang milyon ay ibibigay sa makakahuli at magdadala sa suspek sa Davao City Police.

Ayon pa kay Mayor Sara, mahalaga aniyang mahuli ng buhay ang suspek upang makakuha ng impormasyon ang mga pulis tungkol sa mga kasabwat nito.

Ayon naman sa pulisya, may dalawang babaeng kasabwat ang mga lalaking suspek.