Lifestyle check sa mga pulis

Ini-utos ni Department of Interior and Local Government Sec. Mike Sueno ang life-style check sa mga miyembro ng Philippine National Police para makilala at alisin sa pwesto ang mga sangkot sa illegal activities.

Unang pinapa-life-style check sina PRO 6 Director Chief Supt. Bernardo Diaz, dating NCRPO Chief Police Director Joel Pagdilao at dating QCPD Director Edgardo Tinio.

Kabilang sila sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektor ng drug lords.

Nakipag-usap na ang mga nasabing opisyal kay Sec. Sueno at sinabing haharapin nila ang imbestigasyon upang malinis ang kanilang pangalan.

Ayon kay sec. Sueno, sinimulan na ng NAPOLCOM ang imbestigasyon sa tatlong heneral at kumu-kuha na rin ng impormasyon ang mga abugado ng DILG ukol sa kaso ni Mayor Vicente Loot.