“Lakad Tungo sa Kapayapaan, Iwaksi ang Karahasan,” isinagawa upang ipanawagan ang kapayapaan sa bansa


Warning: compact(): Undefined variable $matches in /home/enewsph/public_html/wp-content/plugins/advanced-responsive-video-embedder/php/fn-oembed.php on line 132

Warning: compact(): Undefined variable $a in /home/enewsph/public_html/wp-content/plugins/advanced-responsive-video-embedder/php/fn-oembed.php on line 132

(Eagle News) — Nagsama-sama ang iba’t ibang mga relihiyon, mga non-government organizations, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, maging ang mga Muslim community sa Metro Manila at sa iba’t ibang panig ng bansa sa isang solidarity walk sa Quezon City.

Dala ang kani-kanilang mga poster na may panawagan na iwaksi ang karahasan. Nanawagan ang mga ito na maiwasan at matapos na ang mga nangyayaring mga pag-atake ng mga terorista sa Mindanao.

Kasunod ito ng nangyaring pambobomba sa Jolo, Sulu nitong nagdaang araw.

Lahat ng mga representative ng relihiyon ay nagparating ng kani-kanilang mensahe para sa kapayapaan ng bansa.

Nagkaisa ang iba’t-ibang grupo sa pagpuksa at pagkondena sa lahat ng nanggulo sa bansa partikular na sa Mindanao nagiging sanhi pa ng violent and extremism.

Sa tingin naman ng ilang mga Muslim community posibleng ang mga may sala sa paggawa ng terorismo sa ilang bayan sa Mindanao ay pawang mga tutol sa pagpasa ng Bangsamoro Organic Law.

Pinasalamatan naman ng mga Muslim community at iba’t ibang religious sector ang ginagawang hakbang ng gobyerno upang matigil na ang terorismo sa Mindanao.

Kaisa din ang PNP at AFP sa panawagang ito ng grupo patungkol sa kapayapaan.

Patuloy anila ang gagawing hakbang ng PNP at AFP upang mapuksa na ang terorismo lalo na sa Mindanao.

Seguridad sa maraming bayan at Metro Manila mas lalo hihigpitan ng PNP at AFP

Dahil dito magdodoble seguridad ang PNP at AFP sa mga lugar sa mindanao upang walang makalusot na nais manggulo sa ilang bayan.

Sa Metro Manila ay hindi pa rin inaalis ng PNP ang heightened alert kaya patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga matataong lugar tulad ng mga malls at marami pang iba. (With a report from Earlo Bringas)