Labanan sa mayoralty race sa Makati City, lalo pang uminit

(Eagle News) — Lalo pang umiinit ang labanan sa mayoralty race sa Makati City.

Tumawid na rin kasi sa bakod ni dating makati mayor “Junjun” Binay ang grupo ng mga kabataan na dating supporters ni incumbent mayor Abigail Binay.

Sa inilabas na statement ng Sangguniang Kabataan ng Makati na pirmado ni Chairman John Guce, sinabi nito na ginawa nila ito para maibalik ang mga programang pangkabataan kasama na ang mga sports activity na nakalimutan raw ng kasalukuyang alkalde.

Mahalaga aniya ang ganitong programa para himukin ang mga kabataan na mag focus sa sports activities sa halip na malulong sa mga bisyo kabilang na ang iligal na droga.

Sinabi rin ni Barangay Carmona SK Chairman Karlo Sumadlayon na mahalaga sa kanila ang task force youth development para tugunan ang pangangailangan ng mga kabataan.