Korean language, ituturo lamang sa 10 piling public schools sa Metro Manila – DepEd

(Eagle News) — Tanging ang mga estudyanteng nasa Grade 7 hanggang Grade 12 na may “mastery” sa English at Filipino languages ang papayagang makapag-aral ng Korean language.

Ito ang nilinaw ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla.
Paliwanag ni Sevilla, sampung public schools sa Metro Manila lamang ang kanilang pinayagan na magturo ng Korean language ngayong semestre.

Ang mga eskuwelahan na pinayagang magturo ng DepEd ngayong semestre ay ang mga sumusunod:

  • Las Piñas National High School
  • Jose Abad Santos High School
  • Kalayaan High School
  • Pasay City National Science High School
  • San Bartolome High School
  • North Fairview High School
  • Maligaya High School
  • Judge Feliciano Belmonte Sr. High School
  • Lagro High School
  • Marati High School

Gaya aniya ng ibang foreign language, ang Korean language ay magiging elective subject na sa mga piling paaralan.

Sa nasabing kurso, made-develop ang skills ng isang estudyante pagdating sa pagbabasa, pagsasalita, pagsusulat at pakikinig ng wikang koreano.

Mahalaga aniya ito sa isang bata para magkaroon ng second foreign language competency.

Ang pagtuturo ng Korean language sa bansa ay resulta ng memorandum of understanding sa pagitan ng Department of Education at Korean embassy sa Pilipinas.

Ang Korean language ay ituturo ng mga gurong nagsanay sa ilalim ng Korean Cultural Center.