Konstruksyon ng NLEX Harbor Link Road 10, sisimulan na

(Eagle News) — Pinasinayaan na ang konstruksyon ng NLEX Harbor Link Road 10 Navotas section, kahapon, Agosto 15.

Pinangunahan ang seremonya ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), mga opisyal ng pamahaalaan at iba pang miyembro ng ‘Build, build, build’ team ng Duterte administration ang nasabing proyekto ay may habang 2.6 kilometers.

Ang R-10 Section ng NLEX Harbor Link ay kontinuwasyon ng 5.7-kilometer segment 10 at elevated expressway na dadaan ng McArthur Highway sa Valenzuela City, Governor Pascual Avenue sa Malabon, C3 Road at ang 5th Avenue sa Caloocan City.

Ang NLEX Harbor Link Segment 10 ay magiging susi umano upang mabawasan at madecongest ang mga pangunahing kalsada sa metro manila na kadalasan ay napakabigat ng daloy ng trapiko.

Proyekto, target matapos sa susunod na taon

Target umano ng ‘Build, build, build’ team na matapos sa susunod na taon ang nasabing proyekto, ang proyekto ding ito ay sa ilalim ng Traffic Decongestion Program ng DPWH.

Ang NLEX Harbor Link R-10 Navotas Section ay may 5.7 kilometrong expressway na magdedecongest sa problemang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila at magbibigay ng alternatibong daan sa NLEX, gayundin sa EDSA at iba pang busy streets sa Metro Manila.

Bagong kalsada, makakatulong sa mga motorista lalo na sa cargo trucks

Kapag nabuksan ang nasabing proyekto, 24/7 na ang access mula sa mga ports at mga pupuntahang lokasyon ng mga cargo trucks sa North at South.

Ang NLEX Harbor Link ay magsisilbi ring NLEX-SLEX connector road na tiyak na makapagbibigay ginhawa  sa mga motorista.

(Eagle News Service, Earlo Bringas)