Konstruksyon ng MRT-7 sa North Avenue Station, magsisimula na

 

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Magsisimula na ngayong araw, Enero 15 ang konstruksyon ng MRT-7 sa north avenue station sa tapat ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Dahil dito, pinaiiwas muna ang mga motorista sa nasabing kalsada at pinayuhang humanap ng alternatibong ruta.

Ayon sa MRT 7 Project Traffic Management Task Force, magsisilbing working area ang Center Island at ang magkabilaang innermost lane ng North Avenue.

Dahil dito, tatlong linya na lang ng North Avenue ang madadaanan papuntang Circle habang dalawang linya naman papuntang EDSA.

Sa kabilang banda, magpapatuloy naman ang mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue dahil pa rin sa konstruksyon ng MRT 7.