Kim Chiu, magdiriwang ng kaniyang 10th year anniversary sa showbiz

Sa kaniyang selebrasyon ng ika-sampung taon sa show business. Isang konsiyerto ang ihahandog ng Chinita Princess na si Kim Chiu sa kanyang fans.

Ang kanyang concert ay pinamagatang “Chinita Princess Funtasy”.

Bukod sa kaniyang concert, umarangkada din at patuloy na tinatangkilik ang kaniyang pangalawang album under Star Music kung saan kasama dito ang sumikay niyang awitin na Mr. Right.

Sa ngayon, halos sold-out na ang mga tickets ng kaniyang concert na gaganapin sa Sabado sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao.