Kerwin Espinosa, ididiretso sa PNP custodial center pagdating sa PHL sa susunod na Linggo

Sa PNP custodial center sa Kampo Crame idederetso si Kerwin Espinosa pagdating nito sa bansa sa susunod na Linggo.
Tiniyak ito ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, pagdating nya kanina mula sa byahe sa Malaysia kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ginarantyahan din ng heneral na hindi mamamatay si Kerwin pag uwi nito sa bansa hanggang sa makarating sa Kampo Crame.
Hinding hindi rin daw mangyayari kay Kerwin sa loob ng PNP custodial center ang sinapit ng kanyang ama sa Leyte sub-provincial jail.
Kabilang sa mga high profile inmate na nakakulong sa PNP custodial center sina Senador Jingoy Estrada at Senador Bong Revilla na kasaluluyang nagpapagaling sa St. Lukes hospital. Nakakulong din sa custodial center si dating PNP Chief Avelino Razon at iba pang dating matataas na opisyal na PNP.

https://www.youtube.com/watch?v=OiRbXj80fZY