Kasunduan sa LRT-MRT common station, lalagdaan na bukas

Naresolba na ng Department of Transportation (DOTR) ang common station na magku-konekta sa LRT line 1, MRT-3 at ang panukalang MRT-7 na bibiyahe mula sa North Avenue hanggang San Jose Del Monte, Bulacan.
Lalagdaan na bukas ang kasunduan sa pagitan ng DOTR, Light Rail Transit Authority at mga stakeholder.
Sa common station, mabilis na makakalipat ang mga pasahero ng tren sa iba’t ibang linya.