Karagdagang ‘chalk allowance’ para sa mga guro, isinulong sa Senado

MANILA, Philippine (Eagle News) — Hinimok ni Senador Ralph Recto ang gobyerno na itaas ang “chalk allowance” ng mga guro sa Php 5,000 kada taon mula sa dating Php 1,500.

Ito ang allowance na ibinibigay sa mga guro sa umpisa ng school year para maka-bili ng school supplies.

Ayon kay Senador Recto, hindi sapat ang kasalukuyang “chalk allowance” ng mga guro at kapag naragdagan ito ay maaari nang bumili ng digital supplies at load para sa online research.

Kailangan ding bigyan ng sapat na supply ang mga guro upang lalong mapunan ang kakulangan ng edukasyon sa bansa.

https://youtu.be/2BUd0AUsUog