Julie Anne San Jose, may “In Control” concert sa May 14

MANILa, Philippines  — Ibabahagi sa atin ni Julie Anne San Jose ang mga nangyari sa buhay niya sa loob at labas ng show business sa bago niyang concert na “In Control”.

Dahil na rin sa pagsusumikap, nakagawa siya ng pangalan bilang Asia’s Pop Sweetheart at nagkamit ng diamond record award at ang single niyang “I’ll Be There” ang nag-iisang certified Quadruple Platinum mula sa Philippine Association of the Record Industry (PARI).

Tambak nga ang trabaho niya ngayong darating na Mayo, dahil bukod sa kaniyang concert, inaayos na ni Julie Anne ang iba pang requirements sa school kaugnay ng graduation niya sa Angelicum College sa kursong Communication Arts.

Busy din si Julie Anne at excited na sa paglabas din ng kaniyang bagong album mula sa GMA Records. Natutuwa din siya na bagama’t hindi pa ito lumalabas ay pumapalo na sa mga countdown at charts ang kaniyang mga awitin mula dito.

Sa ngayon, ang dance group na G-Force at ang dati niyang singing group na Sugar Pop ang guests niya.

Magaganap ang kaniyang konsiyerto sa May 14 sa Kia Theater, Cubao, Quezon City na inorganisa ng Dreamstar Events Management.