Joint maritime exercises ng China at ASEAN, umarangkada na

(Eagle News) — Nagsimula na ang joint military exercises ng China at ng ASEAN member state sa South China Sea.

Batay sa report, walong barkong pandigma ang naglayag mula sa port of zhanjiang,sa timugang bahagi ng Gunadong Province ng China, mayroon itong nasa 1,200 military personnel na kasama sa naturang military exercise.

Ayon kay Singapore Chief of Navy, Rear-Admiral Lew Chuen Hong, binigyang diin niya sa kaniyang mensahe ang kahalagahan ng ganitong joint military drills para mapangalagaan ang seguridad ng bawat bansa sa ASEAN Region at mapanatili ang paglago ng ekonomiya ng mga ito.

Tatagal ang joint military drills o exercise ng China sa loob ng isang linggo, bilang bahagi ng pagpapaigting, pagpapalakas at pag-po promote ng stability sa pagitan ng China at ng ASEAN member countries, at bilang bahagi na rin para masolusyunan ang tensyon sa South China Sea.

Kabilang sa mga military drills na isasagawa ng China at ASEAN ay ang Joint Search & Rescue Operations and Communication. Ayon sa Chinese Defense Ministry Office, nais din nilang mapatatag ang mutual trust pag po-promote ng military relations ng China at ng ASEAN member countries, pagpapalakas ng maritime security cooperation, at ang enhancement ng pagtugon sa mga security threats sa ASEAN Region.