Jennylyn Mercado, Best Actress sa MMFF 2015 gayundin si Jericho na Best Actor para sa pelikulang #WalangForever

Ginanap na noong Disyembre 27 ang awards night ng 41st Metro Manila Film Festival (MMFF 2015) sa Kia Theater, Araneta Center.

Sa pangalawang pagkakataon ay muling itinanghal na Best Actress si Jennylyn Mercado. Si Jericho Rosales naman na kaniyang kapartner sa kanilang romantic-comedy movie na #WalangForever ang itinanghal na Best Actor.

Nakuha naman ng Direktor na si Direk Erik Matti ang parangal para sa Best Director sa pelikula niyang “Honor Thy Father.”