JC De Vera, inilabas na ang kanyang debut album na “Stellar”

QUEZON City, Philippines — Sa kaniyang ika-labintatlong taon sa show business, papasukin na din ni JC De Vera ang mundo ng musika. Kasabay nito ang paglalabas niya ng kaniyang pinakaunang albun na pinamagatang “Stellar.”

Ang awiting “Langit Na Rin” ang napili upang maging carrier single nito. Kasama niya sa album na ito sina Lovi Poe at Jessy Mendiola.