Iwas-sunog tips ngayong holiday season

MANILA, Philippines (Eagle News) — Paulit-ulit ang Bureau of Fire Protection (BFP) at ng iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagpapaalala sa publiko para makaiwas sa sunog.

Subalit sadyang nangyayari pa rin ito dulot ng iba’t-ibang kadahilanan, pangunahin na rito ang kapabayaan.

Kaya mahalaga pa rin na sundin at gawin ang ilang tip para iwas-sunog ngayong holiday season.