Israel, Germany at Japan tumatanggap ng Filipino workers

(Eagle NewS) — Bukas ngayon ang pamahalaan ng Israel para sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho.

Nangangailangan ang Israel ng 5,000 Filipino hotel workers at may kaugnayan sa hotel and restaurant management.

Bagaman wala pang job order at guidelines para sa naturang mga trabaho, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na aayusin na ito sa nobyembre.

Maliban sa Israel, bukas din ang Germany at Japan na kumuha pa ng maraming Pilipinong manggagawa.

Para sa karagdagang detalye ay abangan ang abiso mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration para hindi mabiktima ng mga illegal recruiter.