Indonesian hostages ng ASG pinangalanan ng militar

Eagle News — Pinangalanan na ng militar ang tatlong Indonesian national na bihag ng Abu sayyaf group.

Sinabi ni Armed Forces Western Mindanao Command spokesman Major Filemon Tan na sina Lorence Koten, Teo Dorus Kopong, at Emmanuel ang mga Indonesian na bihag.

Dinukot ang mga ito ng Abu Sayyaf Group habang naglalayag sa karagatan ng Lahad Datu, Malaysia ang kanilang ‘fishing vessel’.

Ayon sa militar, may lima  pang kasama ang mga nasabing bihag ngunit pinakawalan ang mga ito.

Eagle News Service.