IMF outlook sa Philippine economy aprubado ng Palasyo

(Eagle News) – Masayang tinanggap ng Malacañang ang positibong pagtaya ng International Monetary Fund (IMF) sa takbo ng ekonomiya ng bansa ngayong taon.

Una nang  inihayag ni IMF Resident Representative to the Philippines Shanaka Jayanath Peiris na naniniwala silang makakamit ng Pilipinas ang target nitong Gross Domestic Product (GDP) na 6.8% ngayong 2017 dahil sa matatag na fiscal spending ng bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernersto Abella, magiging posible ito sa pamamagitan ng mas pinalakas na infrastructure spending at pagkakaroon ng isang comprehensive tax reform.

Nauna nang nagbigay ng forecast ang washington-based na World Bank (WB) na mananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2017 sa 6.9% economic growth.