Ilang security protocols sa NAIA babaguhin katuwang ang US

(Eagle News) — Pumasa sa international security standards ang Ninoy Aquino International Airport ngunit may mga bagay na kailangang baguhin at pagandahin pa.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Gen. Manager Ed Monreal makikipagtulungan sila sa US Department of Homeland-Transportation Security Administration para sa mga pagbabago sa security protocols sa NAIA.

Kasama sa magiging pagbabago ay ang pagsasagawa ng background check sa mga kukuhaning bagong airport personnel dahil susuriin ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang kanilang pagkatao lalo na ang mga nagpapatupad ng security control.

Oobligahin na rin ang lahat ng mga may hawak ng MIAA access pass na magsumite ng mga bagong NBI clearance.

Nagdagdag na ng mga bagong guwardiya sa NAIA at bumibili na rin sila ng mga bagong walk-through metal detectors, x-ray machines at alarm systems.

Ibinahagi ni Monreal na ang MIAA at Office for Transport Security ng DOTr ay pumasa sa standards ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

https://youtu.be/fT89k-7kwD0