Ilang oil companies, magpapatupad muli ng rollback

(Eagle News) — Marami pang mga kumpaniya ng langis ang magpapatupad ng roll back sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Ngayong araw, nagpatupad na ng rollback ang Jetti Petroleum ng Php 1.10 sa kada litro ng diesel habang Php 1.30 naman sa kada litro ng gasolina.

Samantala, bukas ay nakatakda namang magpatupad ang Shell, PTT Philippines at Total Php 1.25 sa kada litro ng gasolina, habang Php 1.10 sa kada litro ng diesel.

Bukod namang mag-roroll back ang Shell ng Php 0.80 sa presyo ng kerosene.

Samantala, nauna nang magpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum.