Ilang mangingisdang Pinoy muling itinaboy ng China

Eagle News — Itinaboy ng Chinese Coast Guard ang ilang mangingisdang naglakas ng loob na mangisda sa Scarborough shoal.

Kasunod ito ng naging ruling ng International Arbitration Court sa petisyon ng Pilipinas laban sa China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Matapang na naglayag ang grupo ng mga mangingisda mula sa Masinloc, Zambales ngunit agad silang hinarang ng isang puting Chinese coast guard ship sa bukana pa lamang ng Scarborough shoal.

Tatlo pang mga malalaking barko ng Chinese Coast Guard ang natanaw ng mga Pilipinong mangingisda ang nakabantay umano sa loob ng Scarborough.