Ilang barangay sa Quezon City, mawawalan ng supply ng tubig

QUEZON CITY (Eagle News) — Pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig ang ilang barangay sa Quezon City simula ngayong araw, July 3.

Mawawalan ng tubig sa limang barangay hanggang July 6 dahil sa isasagawang “maintenance activities” ng Maynilad.

Sa isang advisory, pinayuhan ng Maynilad na mag-imbak ng sapat na tubig ang mga residente ng mga sumusunod na barangay: Bgy. Sauyo – July 3 (10pm) to July 4 (4am); Bgys. 159, 160, 162 at 163 – July 5 (10pm) to July 6 (4am).

Sinabi naman ng Maynilad na maaaring magkaroon ng delay sa panunumbalik ng water supply, depende sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station, o dami ng gumagamit tubig kung saan may mga kasabay din na gawain para sa pipe rehabilitation.

Samantala, mayroong bagong traffic advisory naman ang Manila Water dahil sa kanilang isinasagawang pipelaying activities.

Ngayong araw sisimulan ang pipelaying o paglalatag ng linya ng tubig sa Luzon Avenue sa Quezon City.