Ikalawang linggo ng “Felix Manalo” movie, dinagsa pa rin

Sa kabila ng patuloy na masungit na panahon dahil sa bagyong “Lando,” patuloy pa ring pinilahan ng mga manunuod ang pelikulang “Felix Manalo” sa SM North EDSA, kahapon, October 18.

Hindi napigilan ng masungit na panahon ang pagnanais ng mga manunuod na tangkilikin ang pelikulang pinakaaabangan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

Dala ang kanilang mga panauhin na hindi pa kaanib sa Iglesia Ni Cristo, sabik na nagtungo ang mga ito sa mga sinehan upang masilayan ang buhay na itinuturing ng mga kapatid sa Iglesia na Sugo.

Ang pelikulang “Felix Manalo” ay nasa ikatlong linggo na ng pagtatanghal sa mga sinehan at ipinapalabas na din maging sa ibang bansa.

(Photos and Description by Dennis Tumaliuan Valdez, Edited by MRFB)