Ikalawang bugso ng balasahan sa Kamara, itinakda sa Mayo

(Eagle News) — Ibinunyag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magkakaroon ng ikalawang bugso ng balasahan sa kamara sa buwan ng Mayo.

Sinabi ni Alvarez na paunang balasahan pa lamang ang nangyari kagabi at hinihintay pa ng house leadership ang mga nominee na isusumite ng mga partido kapalit ng mga naunang sinibak.

Magugunitang inalisan ng puwesto sa Kamara at committee chairmanships ang mga kongresistang bumoto laban sa death penalty bill.

https://youtu.be/6_mVzJJ7qCU