Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos sa Camarin, Caloocan

Caloocan City (Eagle News) – Masungit man ang panahon, hindi natinag ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lokal ng Camarin, Caloocan City na patuloy na ipag-anyaya ang kanilang pananampalataya sa kanilang mga kamag-anak, mga kaibigan, at maging sa kanilang mga kapit-bahay sa isinagawang malaking Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos. Isinagawa nila ito sa Brgy. 174 Covered Court, noong August 26, 2016 at nagsimula bandang 8:00 ng gabi.
Maaga pa lamang ay buong tiyaga ng inikot ng mga kaanib ng INC ang kabuuan ng nasabing Barangay upang mamahagi ng babasahing Pasugo (God’s Message) magazine at ipinag-anyaya ang gagawing Pamamahayag. Pangunahing dumalo sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng Barangay sa pangunguna ni Barangay Chairman Enrique Bunag.
Karamihan sa mga naanyayahang dumalo ay nasiyahan sa kanilang napakinggan dahil nasaksihan nila mismo na aktuwal na binabasa sa Biblia ang mga aral ng Diyos. Ang iba sa naanyayahan ay nagpasiya ng magpatuloy sa pakikinig ng mga aral na sinasampalatayanan ng INC. Pinangunahan naman ni Bro. Pepito Mercado, Assistant District Supervising Minister ng Distrito ng Metro Manila North ang pagtuturo ng mga salita ng Diyos.

Courtesy: Sherwin Embalzado – Camarin, Caloocan City

850514226_127569_7018098972647630385 850519876_126372_1147532531614484796 850520046_25682_4124157081611583788 850615000_23787_9962910963123833812 850615445_24834_4316480431651682723 850617349_23389_8871573541136200275 850617458_23733_10703144646035491725