(Eagle News) — Umaapela si Senador Sonny Angara sa gobyerno na tutukan rin ang rehabilitasyon at pagpapaganda sa iba pang tourist destinations sa Pilipinas.
Sinabi ni Angara na dapat magpatupad na rin ng pre-emptive measures sa mga lugar na nagpapakita na ng pagkasira dahil sa pag-abuso ng mga turista kabilang na ang El Nido sa Palawan.
“There should be constant improvement of our facilities, so our carrying capacity will grow with arrivals. We must always be ahead of the curve instead of being overwhelmed and under-prepared which, in the long run, will be damaging to the ecosystem,” ayon kay Angara.
Kailangan na rin aniyang matukoy ang mga lugar na kailangan ang improvements ng kalsada, airport at seaports kasama na ang sewerage and infrastructure system.
Kung maaga aniya masisimulan ang rehabilitasyon, hindi na kakailanganing ipasara ang isang tourist destination gaya ng Boracay na nakaapekto sa kabuhayan ng libo-libong mga residente.
“Habang maliit pa ang problema, gamutin na para hindi na makaapekto sa kabuhayan ng libu-libong pamilya,” pagbibigay-diin ng senador.
Isinusulong rin ni Angara na magamit ang travel tax collection sa pagpapaganda ng mga tourist destinations para mapaangat ang ekonomiya ng bansa.
“Let us pour billions on them. Tourism is a P2-trillion-a-year industry. It accounts for 12 percent of the GDP (gross domestic product). We must protect and nurture this major source of national income,” ayon pa kay Angara. (Eagle News Service Meanne Corvera)
https://youtu.be/u8P6BaQTbdY





