“Himig Handog P-Pop Love Song 2016” finals night, itinakda sa April 24

MANILA, Philippines — Kasado na ngayong buwan ng Abril ang finals night ng isa sa pinakamalaking song writing competition ng ating bansa, ang “Himig Handog P-Pop Love Song”.

Ito ay gaganapin sa Kia Theater tampok ang labinlimang mga bagong awiting maglalaban-laban. Isang grand press conference ang isinagawa na dinaluhan ng mga composer maging ng interpreters nito.